Minsan ay nasambit yan sa aking ng isang taong naging bahagi ng buhay ko. Nanahimik lang ako ng sinabi nya yun.
Naisip ko, maaaring mataas nga ang ihi ko. Totoo na hindi ako madaling magpakumbaba. Pero marunong akong humingi ng tawad kung kinakailangan. Marunong akong tumanggap ng pagkakamali. Hindi ako nagdudunung-dunungan.
Kung negatibo para sa iba ang ugali kong iyon, wala akong magagawa. Yun ako. Hindi ako nagpapailalim sa kung sinu-sino lang o nagsusunud-sunuran kung hindi nararapat. Ipinaglalaban ko ang bagay na sa palagay ko ay tama, sukdulang may magalit sa akin. Alam ko kung kailan dapat sumuko, pero hindi ako sumusuko kung walang mabuting idudulot ang pagsukong iyon.
Naniniwala ako na hindi lahat ng laban ay kailangang maipanalo, ngunit dapat ay lumaban ka sa abot ng iyong kakayahan.

paano kaya kung ganito mangyari pag mababa ang ihi? hehehe!!!
No comments:
Post a Comment