Nakalipas na ang 24 oras. Wala pa ring nagaganap na paghingi ng patawad mula sa akin. Ang totoo, kahapon pa ako humingi ng tawad sa iyo. Ang problema, hindi ko masabi ng harapan.
Ganoon siguro katindi ang sakit na naramdaman at patuloy kong nararamdaman. Kahit sa puso ko at sa isip ko ay humingi ako ng tawad sa iyo, hindi ko pa rin maisatinig. Kahit sa kilos, hindi ko maipakita na nagsisisi ako sa nangyari.
Nakakalungkot. Bawat salitang binitiwan mo ay punyal na bumaon sa puso ko. Kung nakamamatay ang salita, maaaring pumanaw na ako. Bagama't batid kong nagkasala ako, hindi pa rin maikakailang nagkasala ka rin. Ang higit na nagpaigting sa sakit, ay ang katotohanang sa iyo nanggaling ang mga salitang iyon. Ikaw na dapat sana'y huling taong makapagsasalita sa akin ng ganoon. Ikaw na dapat sana'y makagagawa ng pinakamahirap na gawain at makatatanggap ng pinakamasakit na pasakit alang-alang sa akin. Nabigo ako sa iyo.
Marahil ay bigo ka rin sa akin. Nauunawaan ko ang maaari mong maramdaman tungkol doon. Gayunman, hindi ko maunawaan kung bakit humantong tayo sa ganito. Sa aking pagkakaalam, ikaw lang ang taong hindi kailanman hihingi ng kapalit sa naibigay mo sa akin. Ano ngayon at isinumbat mo ang lahat sa akin? Bakit ng dahil sa napakaliit na bagay ay nagawa mo akong saktan ng labis?
Hindi ko inakalang darating ako sa ganitong punto. Kailanman ay hindi ko ginustong magmatigas sa iyo. Maaari akong sunugin sa impiyerno dahil sa nararamdaman ko. Pero ano ba ang dapat kong gawin? Hindi ko talaga alam. Ang tanging alam ko, nasasaktan tayo pareho sa mga oras na ito. Sa kabila ng lahat, wala ni isa man sa atin ang nauunang tumapos ng problema natin.
Sa isang banda, magawa man nating tapusin ang suliranin, wala pa ring katiyakan kung maibabalik pa ang dati nating samahan. Masyado na akong nasaktan. Labis na nagdurugo ang puso ko pagkatapos ng pinagdaanan natin. Sa tingin ko, kahit magkaayos tayo ay magkakaroon na ng distansya sa pagitan natin. Hindi ko alam kung paano ko pa malilimutan ang paulit-ulit mong panunumbat tungkol sa lahat ng naibigay mo.
Patawarin mo ako. Mahal kita at kailanman ay hindi iyon mawawala. Kung sakaling isang araw ay mawala ako ng tuluyan sa buhay mo, sana maging masaya ka na. Sana, kapag dumating ang araw na iyon ay mapatawad mo rin ako...

No comments:
Post a Comment