Akala mo siguro ang dali lang ng ginagawa ko. Bakit di mo subukan maging nanay? Baka sakaling maunawaan mo...
Tanungin mo ang sarili mo kung mali ba ako sa mga reaksyon ko sa ginagawa mo. Sa tingin mo ba OA lang ako?
Kung OA ako sa paningin mo, siguro nga ganoon. Ganunpaman, hindi ko babaguhin ang reaksyon ko dahil karapatan kong ipakita kung ano ang totoong laman ng kalooban ko.
Alam nating pareho na hindi kita pinagbabawalan na makipagbarkada. Hindi kita pinigilan kailanman na uminom ng alak. Gaano man kalaki ang pagtutol ko sa paninigarilyo mo, hindi kita pinilit na ihinto yun. Alam mo noon pa man na wala akong hinihinging kapalit, maliban sa iparamdam mo lang sa akin na ako at ang anak natin ang pinakaimportante sa yo.
Bakit kailangan natin magpaulit-ulit sa ganito? Hanggang kailan mo ipararamdam sa akin na pwede mo akong balewalain para sa ibang bagay?
Minsan nagbitaw ako ng salita sa kapatid mo na huwag siyang magpapakita ng sobrang pagmamahal sa boyfriend nya dahil aabusuhin nito ang nararamdaman nya. Sinabi ko rin sa kanya na karaniwan na sa mga lalaki ang ganoong ugali, kasama ka na doon. Totoo naman hindi ba?
Sinabi ko rin sa kanya na may karapatan pa siyang magmatigas sa boyfriend nya kasi di pa sila kasal. Kasi sa kaso natin, wala na akong magagawa dahil kasal na tayo.
Gustuhin ko mang ipagtabuyan ka, hindi na pwede. Hindi pwede kasi nga asawa na kita. Hindi kita pwedeng ayawan at itakwil na lang pagkatapos.
Sa kabila ng katotohanang yun, wag ka sanang magpakasiguro. Maaaring hindi kita pwedeng hiwalayan sa ginagawa mo sa akin. Pero, hindi mo ba naisip na maaari kong ibalik sa yo ang lahat ng ginagawa mo sa akin?
Totoong nangako ako sa anak natin at sa Kanya na sisikapin kong huwag nang magalit. Sa isang banda, alam nating pareho na ang pangako ay nababali rin. Ikaw nga, maraming beses ka nang bumali sa pangako mo. Paano kung baliin ko rin ang pangako ko?

Huwag mo sanang hintayin na magkaroon pa ng mas malalang pangayayari sa pagitan natin. Huwag mong hintayin na mapagod ako ng lubusan. Mahaba ang pasensya ko, pero hindi ako santa.
No comments:
Post a Comment